1st trial

May 29, 2015. 3:00 pm , yan yung mga panahon na naisip ko ANO NGA BANG GAGAWIN KO sa ilalim ng ulan? Kakain ,matutulog, mag iinternet o tatambay sa kabilang bahay- NA NAMAN. hays, Yan na lang ba gagawin ko sa loob ng maulang araw nato? Gusto ko ng may kabuluhan ,yung may sense ba. Kaya ayun nauwi ako sa cellphone no choice e, kinuha ko yung phone ko att.. okay lets start.

Binuksan ko yung IG ko ‘Instagram’ . Yes naman, Ayus pala tong IG,  kasi sa loob ng dalwang araw e 60 person na yung nag follow sakin, (YES, PROUD AKO HAHA bkt alamin sa huli) although mga kilala ko sila, may mga pumapansin din sa posts ko kaya natuwa ako , sa sobrang tuwa ko ,pinag titingnan ko ang mga nag like ng posts ko. NAGULAT AKO. kasi hindi ko sila kilala. Dahil hindi ko sila kilala ,nagkaroon ako ng interes na tingnan sila. SINO BA TO? ay kano sabi ko, E, eto kaya? Ay kanong itim, Isa pa, uy Interesting to. PINOY, Sa palagay ko  May sense to. Yung mga post nya kasi maganda, Karamihan mga magagandang tanawin, may pinaghuhugutan at ang hindi ko inaasahan manunulat sya. BOOM, WRITER TO. WRITER. Ano nga ba ngayon kung writer sya? Sa salitang writer tanggalin natin yung ‘R’. AYUN tinanggal ko yung ‘R’. So, WRITE nalang yung natira. Napaisip ako saglit. ‘WRITE’. nasaktan ako. bakit? Kelan ba ako huling sumulat? kelan ba ako huling humarap sa papel at kelan ko huling hinawakan ang mahiwaga kong ballpen? 3rd yr. High school pa ko noon. Ano na ba ngayon, college na ko 2nd yr. , kung titingnan Hindi pa matagal diba? PERO sa akin sobrang tagal na. Naramdaman ko na parang may bumato sakin, ARAY! Binato ako ng ate ko. ”OH! ETO NOTE PAD ILISTA MO MGA NAIISIP MO,haha ang lalim ng nasa diwa mo ‘WUY DIWA’ haha gising ka na ba nicole.?”. Ayun nagising nga ako kaya binasa ko ang mga sulat ng writer. MAGANDA, OO magaling sya, Fluent pa sya sa english. Nainspire ako ,kaya napa isip ako at tinanong ko ulit ang sarili ko , ANO NGA BANG GAGAWIN KO sa ilalim ng ulan? SUMAGOT DIN NAMAN AKO- SUMULAT. OO SUMULAT. after an hour kinuha ko yung laptop, nagdesisyon ako YES! ita try ko ulit sya, oo magsusulat ako. I dont know kung ok pako or kaya ko pang panghawakan yung pagiging writer kahit hindi naman ako kagalingan. ETO na nga, hindi ko alam kung may sense to, hindi ko alam kung tama pero ang alam ko lang calling to, calling ng puso at utak ko.Gusto ko e, Ni hindi ko alam kung anong title, sa totoo lang wala kasi akong maisip. haha pinakamahirap yun noh . So thankful ako dun ke kuya justin.. kasi kung hindi dahil sa blog nya hindi ko maiisip to SYEMPRE thankful ako sa ULAN. OO KAY ALING ULAN Kasi kinulong mo ako sa kwarto haha. 🙂 I just wanna say na masarap sumulat, masarap mag express lalo na kung kelangan mong ibuga ito at masarap kumain habang gumawa nito joke. at minsan kelangan nating hayaan ang oras para may makita tayong magandang bagay.

Yun sorry kung hindi maganda sa tingin mo haha. hindi naman school requirements e LOL.

Yun nga palang bkit proud ako sa IG ko kasi guys lagi akong huli sa BAGO as in ni sa balita (Hindi po ako sa news writing haha sa feature at dun lang ako) or issues hahaha kaya ako nababatukan ng mga kaibigan ko kasi wala na daw akong alam sa mundo except sa sports you know haha #ILOVESPORTS. Thanks….

COMMENT PLEASE. yung para sa maiiprove ko pa.

Advertisements

5 thoughts on “1st trial

  1. Yown. Sulat pa haha. Kamsta nmn yung sports mo? Galingan mo din dun ha. Suotin mo ulit yung swim suit na pink hahaha. Jokw

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s